Sa Goa, India-Nagtagpo dito Sabado, Oktubre 15, 2016, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Vladimir Putin ng Rusya.
Sinabi ni Xi na dapat pahigpitin ng Tsina at Rusya ang mga kooperasyon at pagkokoordinahan sa mga larangan na gaya ng United Nations, Shanghai Cooperation Organization, at BRICS, para pasulungin ang pag-unlad ng kaayusang pandaigdig patungo sa mas makatarungan at makatwiran.
Sinabi ni Putin na ikinagagalak niyang panatilihin ng dalawang bansa ang mahigpit na pag-uugnayan sa mga larangan. Nakahanda aniya siyang palalimin, kasama ng Tsina, ang kooperasyon sa mga larangan na gaya ng enerhiya, imprastruktura, transportasyon, abiyasyon, at usaping pangkalawakan.
Sinang-ayunan ng dalawang bansa ang magkasamang pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng rehiyong Hilagang silangang Asya.