Sa Goa, India—Nagtagpo dito Sabado, Oktubre 15, 2016, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Narendra Modi, Punong Ministro ng bansang ito.
Sinabi ni Xi na ang matatag at malusog na relasyon ng Tsina at India ay nakakabuti, hindi lamang sa pag-unlad ng dalawang bansa, kundi sa makatwirang kapakanan ng mga umuunlad na bansa sa sistemang pandaigdig.
Sinabi rin ni Xi na nakahanda ang Tsina na patuloy na pasulungin, kasama ng India, ang mga kooperasyon sa daambakal at sonang pang-industriya.
Ipinahayag ni Modi na ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa ay angkop sa komong kapakanan ng dalawang bansa at rehiyong Aysa. Nakahanda aniya siyang pahigpitin, kasama ng Tsina, ang mga koopeasyon sa ilalim ng multilateral na balangkas na gaya ng BRICS at Shanghai Cooperation Organization.