Sa Goa, India—Nagtagpo dito Sabado, Oktubre 15, 2016, sina Pangulo Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Jacob Zuma ng Timog Aprika.
Sinabi ni Xi na nakahanda ang Tsina na komprehensibong pasulungin, kasama ng Timog Aprika, ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan para magdulot ng mas maraming kapakanan ng kanilang mga mamamayan.
Binigyang-diin ni Xi na matatag na kinakatigan ng Tsina ang nagsasariling pagpili ng mga bansang Aprikano sa landas ng pag-unlad batay sa kanilang aktuwal na kalagayan.
Ipinahayag naman ni Zuma na pinasalamatan ng kanyang bansa ang pagtulong ng Tsina sa imprastruktura at pagsasanay sa mga talento. Nakahanda aniya siyang pahigpitin ng kanyang bansa at Tsina ang mga kooperasyon sa ilalim ng balangkas ng Johannesburg Summit ng Porum ng Kooperasyon ng Tsina at Aprika.