Ayon sa tinayang datos na isinapubliko kamakailan ng Ministri ng Kalakalan at Industriya ng Singapore, noong ika-3 kuwarter ng kasalukuyang taon, lumaki ng 0.6% ang kabuhayan ng bansang ito. Ito ay mas mababa sa 2% paglaki noong ika-2 kuwarter ng taong ito.
Nauna rito, ipinahayag ni Tharman Shanmugaratnam, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Tagapagkoordina sa Patakarang Pangkabuhayan at Panlipunan ng Singapore, na tinatayang nasa 1% hanggang 2% ang magiging bahagdan ng paglaki ng kabuhayan ng bansa sa taong kasalukuyan.
Salin: Li Feng