Ipinahayag nitong Lunes, Oktubre 17, 2016, ni Tea Banh, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Cambodia, na nilagdaan ng kanyang bansa at Tsina ang kasunduan tungkol sa pagkakaloob ng panig Tsino ng tulong militar sa panig Kambodyano.
Kaugnay nito, ipinahayag ng Departamento ng Impormasyon ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina na ang relasyon ng dalawang hukbo ng Tsina at Cambodia ay mahalagang bahagi ng relasyon ng dalawang bansa. Nitong mahabang panahong nakalipas, nananatiling mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng nasabing relasyon. Anito, ipinasiya ng panig Tsino na magkaloob ng mga materiyal na gaya ng kasangkapang medical at kagamitang pang-opisina sa hukbong Kambodyano. Layon nitong katigan ang konstruksyon ng depensa at hukbo ng nasabing bansa at palalimin ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang hukbo, anito pa.
Salin: Li Feng