|
||||||||
|
||
Sina Fan Changlong (sa kanan) at Tea Banh (sa kaliwa)
Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Huwebes, Oktubre 13, 2016, kay Tea Banh, dumadalaw na Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Cambodia, sinabi ni Fan Changlong, Pangalawang Pangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na pinasasalamatan at di-makakalimutan ng mga mamamayang Tsino ang ibinibigay na matatag na pagkatig ng pamahalaang Kambodyano sa Tsina sa mga isyung may kaugnayan sa nukleong interes ng bansa. Aniya, nakahanda ang panig Tsino na walang humpay na palalimin ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa hukbong Kambodyano upang makapagbigay ng positibong ambag sa pangangalaga sa kapakanan ng sari-sariling bansa at kapayapaan at katatagang panrehiyon.
Ipinahayag naman ni Tea Banh ang pasasalamat sa ibinibigay na puspusang tulong ng panig Tsino sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Cambodia. Umaasa aniya siyang mapapalalim ng dalawang panig ang pagpapalitan at pagtutulungan para mapasulong ang pagtatamo ng bagong progreso ng relasyong Kambodyano-Sino.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |