|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina - Sa kanyang kauna-unahang pagdalaw sa Tsina upang isulong at palakasin ang relasyong Sino-Pilipino, isang preskon ang idinaos gabi ng Miyerkules ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa mga Tsino't dayuhang mamamahayag.
Sa kanyang sagot sa tanong ni Jade Xian, mamamahayag ng Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina (CRI-SF) hinggil sa patakarang panlabas ng Pilipinas, mariing ipinahayag ni Pangulong Duterte na siya ay uukit ng patakarang panlabas na akma para sa Pilipinas at higit sa lahat, ito'y magiging patakarang panlabas na mapagkaibigan para sa lahat ng bansa.
Sinabi ni Duterte, matagal nang pumapabor ang patakarang panlabas ng Pilipinas sa patakaran ng mga bansang kanluranin, pero, hindi naman ito akma sa pangangailangan ng Pilipinas.
Sinabi pa ni Pangulong Duterte, na ang dahilan kung bakit hindi masyadong lumamig ang pagpapalitan ng Pilipinas at Tsina nitong mga nakaraang panahon ay dahil sa pagsunod ng Pilipinas sa mga polisiya ng mga kanluraning bansa.
Panahon na aniya upang gumawa ng patakarang panlabas ang Pilipinas na ayon sa pangangailangan ng mga Pilipino.
"At this age I have now the proper perspective to judge whether the foreign policy is good for us or not," dagdag ng pangulong Pilipino.
Prospekt ng pagdalaw sa Tsina
Pagdating naman sa pakay sa kanyang pagdalaw, sinabi ni Duterte na nais niyang humingi ng tulong sa Tsina, pero, hindi rin niya nais na mamilit at magbigay ng presyur.
Kung sa mga nakatakdang pag-uusap aniya ay mababanggit at mag-aalok ng tulong ang pamahalaang Tsino, malaking bagay para sa Pilipinas kung magkakaroon ng soft loan.
"I am here for a state visit to pay my respects to the great people of China and to the Chinese Government," aniya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |