|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina – Sa kanyang pakikitagpo kagabi, Oktubre 19, 2016 sa Filipino Community sa Beijing, sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na matagal nang magkaibigan ang Pilipinas at Tsina at naging mabuti itong kaibigan lalo na sa mga Pilipinong nagtatrabaho rito. Binalik-tanaw rin ni Pangulong Duterte ang libu-libong taon nang relasyon ng dalawang bansa, na nagsimula bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas.
Wala rin aniyang kasaysayang mapanalakay ang Tsina at hindi kailanman nito sinalakay ang Pilipinas.
Sinabi ni Pangulong Duterte na mayroong humigit-kumulang 300 libong Pilipino ang nasa bansa, at napakabait ng Tsina sa kanila.
Pero, nagbabala rin ang pangulong Pilipino na kahit mabait ang Tsina, mayroon itong mahigpit na batas.
"China is very kind. Wala naman dito; huwag ka lang magkakaroon ng kasalanan, lalo na sa droga," sinabi ni Duterte, "kapag ang mga Pinoy ay nagkasala, lalo na hinggil sa ilegal na droga, siguradong mananagot sila sa batas ng Tsina."
Tulad din aniya sa Pilipinas, kapag nahuling gumagawa ng ilegal na gawain ang mga Tsino, mananagot din sila sa batas ng Pilipinas.
/end/rhio/ernest/jade //
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |