Ayon sa mid-term development plan ng pamahalaang Indonesian, mula taong 2015 hanggang taong 2019, palalakasin ng Indonesia ang konstruksyon ng malalaking proyekto ng imprastruktura sa 12 larangan.
Ang nasabing mga malalaking proyekto ay kinabibilangan ng: pagtatatag ng 2,650 kilometrong pambansang lansangan at 1,000 kilometrong highway; pagkukumpuni ng 46,770 kilometrong umiiral na pambansang lansangan; pagtatatag ng 15 paliparan; pagtatatag ng 24 na bagong malalaking puwerto; pagtatatag ng 3,258 kilometrong railway network sa Java, Sumatra, Sulawesi, at Kalimantan; pagtatatag ng 60 bagong ferry terminal; pagtatatag ng bus rapid transit (BRT) sa 20 lunsod; pagtatatag ng 49 na bagong malalaking reservoir ng tubig; pagtatatag ng 33 hydroelectric station; pagtatatag ng sistema ng pagdidilig para sa halos 1 milyong hektaryang bukirin at iba pa.
Salin: Vera