|
||||||||
|
||
NAKABALIK na sa dati ang relasyon ng Pilipinas at Tsina. Ayon sa mga balitang lumabas sa Maynila mula sa Beijing, nagkasundo ang Pilipinas at Tsina na pag-usapan na lamang ang 'di pagkakaunawaan sa bahagi ng karagatan sa pamamagitan ng bilateral discussions.
Ito ang sinabi ni Vice Foreign Minister Liu Zhen Min sa isang briefing matapos ang bilateral talks sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping kaninang umaga.
Nagkaroon umano ng "friendly atmosphere" sa pag-uusap ng magkabilang panig. Malawak ang naging pag-uusap, dagdag pa ni G. Liu.
Idinagdag pa niyang matagumpay ang pagdalaw ni G. Duterte at nagpapakita lamang ng pagbabalik ng pagkakaibigan ng dalawang bansa sa normal na antas.
Mayroong practical cooperation, bilateral commerce, trade at technology na napag-usapan.
Nagpasalamat ang Tsina sa paglahok ng Pilipinas sa "One Road One Belt Policy" kasabay ng pangangako na magiging aktibo sa mga pagawaing-bayan. pagsasaka at pananalapi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |