Huwebes, ika-20 ng Oktubre, 2016, nag-usap sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at dumadalaw na Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas. Sinang-ayunan ng kapuwa panig na batay sa pundamental at komong interes ng dalawang bansa, at pananabik ng kanilang mga mamamayan, pasusulungin ang relasyong Sino-Pilipino, upang maisakatuparan ang komprehensibong pagbuti, at matamo ang mas malaking pag-unlad.
Ipinahayag nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mga natamong bunga ng pag-uusap ng dalawang pangulo. Aniya, tulad ng sabi ni Pangulong Duterte, "historikal ang pag-uusap ngayong araw, komprehensibong napabuti at napaunlad ang relasyon ng dalawang bansa. Ang kasalukuyang pagdalaw ay tiyak na makakapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayang Tsino at Pilipino, aniya. May katuwiran kaming umaasa at manalig na magtatagumpay ang kasalukuyang dalaw-pang-estado ni Duterte sa Tsina, dagdag ni Hua.
Salin: Vera