Ipinalabas nitong Linggo, Oktubre 23, 2016, ng "People's Daily" ang isang artikulong pinamagatang "China will never allow the US to run amok in South China Sea waters." Anito, nitong Biyernes, lantarang pumasok, nang walang permisyon mula sa Tsina, ang US Navy guided-missile destroyer, USS Decatur, sa teritoryong pandagat ng Xisha ng Tsina. Ipinahayag ng pamahalaang Tsino ang buong tinding pagtutol sa nasabing aksyon ng Amerika, at isasagawa ang isang serye ng katugong hakbangin.
Anang artikulo, noong Mayo ng 1996, isinapubliko ng pamahalaang Tsino ang "Statement of the Chinese Government on the Territorial Sea Baseline" kung saan nilinaw ang baseline ng Xisha Islands. Ayon din sa tadhana ng "People's Republic of China on the Territorial Sea and the Contiguous Zone" at kaukulang pandaigdigang batas, dapat kumuha ng pahintulot mula sa pamahalaang Tsino ang sinumang dayuhang bapor pandigma na nais pumasok sa teritoryong pandagat ng Tsina. Anito, ang nasabing aksyon ng Amerika ay grabeng lumapstangan sa soberanya at kaligtasan ng Tsina, ito rin ay grabeng lumabag sa may-kinalamang batas ng Tsina at pandaigdigang batas, at nakasira sa kapayapaan, seguridad, at kaayusan ng kaukulang karagatan. Sa katuwiran ng "kalayaan sa paglalayag," nilapastangan anito ng Amerika ang soberanya, seguridad, at kapakanang pandagat ng mga bansa sa baybaying-dagat. Ito, anang artikulo ay muling nagpapakita ng negatibong epekto ng estratehiya ng Amerika na "Pagbalik muli sa Asya-Pasipiko."
Sinabi ng artikulo, na ang naturang paglalayag ng Amerika ay nangyari sa oras na bumibiyahe si Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina at komprehensibong napanumbalik ang relasyong Sino-Pilipino. Sa okasyon ng pagbuti ng relasyon ng Tsina at mga kaukulang bansa, at paglitaw ng bagong tunguhin ng maayos na pagresolba sa isyu ng South China Sea, ang pagpapadala ng Amerika ng bapor pandigma at pagsasagawa ng probokasyon, ay mistulang patunay ng negatibong papel ng Amerika na sinasadya upang lumikha ng kaigtingan sa isyu ng South China Sea.
Salin: Li Feng