Ipinatalastas Oktubre 21, 2016 ng Tsina ang pagpapanumbalik ng pag-aangkat ng mga saging at pinya, mula sa Pilipinas.
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing ni Bernadette Fatima Romulo Puyat, Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura ng Pilipinas ang pasasalamat. Ipinalalagay niyang ito ang isa sa mga pinakamahalagang bungang natamo sa katatapos na biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina.
Nang araw ring iyon, kasama ni Pangulong Duterte si Puyat sa pagbisita sa Bank of China. Ipinahayag niyang ang Tsina ay pinakamalaki at mahalagang partner ng Pilipinas sa larangan ng kalakalang pang-agrikultura.
Samantala, ipinalalagay din ni Puyat na makikinabang ang Pilipinas mula sa "Belt and Road Initiative," na itinataguyod ng Tsina para sa magkasamang pag-unlad.