Beijing, China — Sa kanyang pakikipagtapo nitong Biyernes, Oktubre 21, 2016, kay Delfin Lorenzana, dumadalaw na Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Pilipinas, sinabi ni Chang Wanquan, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na may makasaysayang katuturan ang state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina. Aniya, ang pagkakaibigang Sino-Pilipino ay hindi lamang umaangkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi nakakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito. Dapat pasulungin ng mga hukbo ng dalawang bansa ang kooperasyon upang makapagbigay ng positibong ambag para sa pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino, dagdag pa niya.
Sinabi naman ni Lorenzana na ang layon ng nasabing biyahe ni Pangulong Duterte ay pasulungin ang mas mahigpit na relasyon sa Tsina. Nagsisikap aniya ang panig Pilipino para mapanumbalik ang relasyong pandepensa, at mapasulong ang kooperasyong pandepensa ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng