Sa panahon ng pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina, nilagdaan ng Bank of China (BC) at mga departamento at bahay-kalakal ng Pilipinas, ang mga kasunduan hinggil sa pagpapasulong ng transnasyonal na kalakalan ng mga maliit at katamtamang bahay-kalakal ng Pilipinas at kooperasyon ng mga bangko at bahay-kalakal ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Pangulong Duterte na aktibong susuportahan ng Pilipinas ang pag-unlad ng mga serbisyo ng BC sa Manila. Umaasa aniya siyang patuloy na pasusulungin ng BC ang kooperasyon ng Pilipinas at Tsina sa kabuhayan, kalakalan, at pamumuhanan.
Ipinahayag naman ni Wang Xiquan, Chief Supervisor ng BC, na ang nasabing mga kasunduan ay makakatulong sa kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa sa pamumuhunan at negosyo.
Bukod dito, itinaguyod sa Beijing ng BC ang training class para sa mga opisyal pang-pinansya ng Pilipinas hinggil sa "Belt and Road" Initiative.