Ipinahayag kahapon, Oktubre 24, 2016, ni Perfecto Yasay, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas na, hindi mapuputol ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Amerika, at patuloy itong palalakasin.
Nang araw ring iyon, pagkatapos ng kanyang pakikipagtagpo kay Daniel Russel, Assistant Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs ng Amerika, sinabi ni Yasay sa news briefing na ang Amerika at Pilipinas ay magkaalyadong bansa, at hindi ito magbabago.
Nauna rito, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hihiwalay ang Pilipinas sa Amerika sa larangang militar at ekonomiko, hindi susunod lamang na sa Amerika sa larangang diplomatiko.
Ipinaliwanag ni Yasay kay Russel na ang sinabi ni Duterte ay tungkol sa sariling kalagayan ng Pilipinas. Ani Yasay, umaasa si Pangulong Duterte na mababago ang pag-iisip ng mga Pinoy sa pag-asa sa ibang bansa.
salin:Lele