Sa isang regular na preskon, isinalaysay ni Tagapagsalita Wu Qian ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na opisyal na dadalaw sa Tsina ang mataas na delegasyong militar ng Myanmar na pamumunuan ni Min Aung Hlaing, Commander-in-chief ng Myanmar Armed Forces, mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 3, 2016.
Sa kanyang pananatili sa Tsina, makakausap ni Min Aung Hlaing ang mga lider ng bansa at hukbo ng Tsina. Malaliman silang magpapalitan ng kuru-kuro tungkol sa mga isyung gaya ng relasyon ng dalawang bansa at hukbo, at situwasyong panrehiyon at pandaigdig.
Salin: Li Feng