Ipinatalastas nitong Huwebes, Oktubre 27, 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Premyer Li Keqiang, isasagawa ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia ang opisyal na pagdalaw sa Tsina mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 6, 2016.
Ani Lu, sa kanyang pananatili sa Tsina, makakausap ni Najib sina Pangulong Pangulong Xi Jinping, Premyer Li Keqiang, at Tagapangulong Zhang Dejiang ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Malalimang magpapalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa relasyong Sino-Malay at mga isyung kapwa nila pinahahalagahan. Dadalo rin sila sa seremonya ng paglagda ng bilateral na dokumentong pangkooperasyon, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng