|
||||||||
|
||
Sa kanyang pangunguluhan sa Pulong ng Union Peace Dialogue Joint Committee (UPDJC), iminungkahi nitong Biyernes, Oktubre 28, 2016, ni Aung San Suu Kyi, State Counselor ng Myanmar, na dapat gawing pundasyon ang tatlong (3) porma sa pagdaraos ng diyalogong pulitikal sa antas ng estado upang hanapin ang kalutasan ng pagbibigay-wakas ng sagupaan at pagsasakatuparan ng kapayapaan. Aniya, kabilang sa nasabing 3 porma ng diyalogo ay pundasyon ng rehiyon, nasyonalidad, at tradisyon.
Ipinagdiinan din niya na ang pagbibigay-wakas sa sagupaan ang siyang tanging paraan para sa pagsasakatuparan ng kapayapaan ng bansa. Nanawagan siya sa iba't-ibang kaukulang panig na agarang alamin ang kahalagahan nito.
Si Aung San Suu Kyi ay kasalukuyang Presidente ng UPDJC. Pagkaraang idaos ang "21st Century Panglong Conference" noong katapusan ng nagdaang Agosto, ang nasabing limang (5) araw na pulong ay kauna-unahang pagtitipon-tipon ng UPDJC. Sa panahon ng pulong, napag-alamang tatalakayin ng mga kinatawan mula sa pamahalaan, sandatahang lakas ng pambansang minoriya, at iba't-ibang partido, ang tungkol sa porma ng diyalogong pulitikal, deadline, at pangunahing tema ng diyalogong ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |