Idinaos Oktubre 30, 2016 sa Yangon, Myanmar ang seremonya ng inagurasyon ng "Kagubatang Pangkaibigan ng Tsina at Myanmar," isang proyektong ekolohikal na magkasamang itinataguyod ng dalawang bansa. Layon nitong pabutihin ang kapaligirang ekolohikal sa Myanmar.
Dumalo sa pagtitipon sina Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar, U Ohn Win, Ministro ng Natural Resources and Environmental Conservation ng Myanmar, at mahigit 100 kinatawan mula sa mga may-kinalamang sektor ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Hong na 42 libong puno-kahoy ang nakatakdang itanim ng dalawang panig, sa unang yugto ng nasabing proyekto, at aabot naman sa 2.6 milyong RMB ang pondong mula sa Tsina para rito.