Nakipagtagpo Martes, Nobyembre 1, 2016 sa Beijing si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), kay Hung Hsiu-chu, Tagapangulo ng Partido Kuomintang ng Tsina.
Ipinahayag ni Xi ang mainit na pagtanggap sa pagdalaw ni Hung. Sinabi ni Xi na mahalaga ang kooperasyon ng dalawang partido para sa kasaysayan at kapalaran ng Nasyong Tsino.
Binigyang-diin ni Xi na ang magkabilang pampang ng Taiwan Strait ay isang di-mahihiwalay na komunidad. Kaugnay ng pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait, iniharap ni Xi ang mga mungkahi na kinabibilangan ng paggigiit sa consensus na narating ng dalawang partido noong 1992, matatag na pagtutol sa mga puwersang naghahangad ng pagsasarili ng Taiwan, at pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng magkabilang pampang.
Ipinahayag ni Hung na dapat pahigpitin ng dalawang partido ang pag-uugnayan para pasulungin ang pagpapalitan ng magkabilang pampang sa larangan ng kabuhayan, kalakalan, kultura, at kabataan.
Dagdag pa niya, dapat ding pangalagaan ng dalawang partido ang mapayapang pag-unlad ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait para magdulot ng aktuwal na kapakanan at makalikha ng mas magandang kinabukasan sa buong Nasyong Tsino.