Oktubre 11, 2016--Bilang tugon sa talumpati ng lider ng Taiwan na ipinalabas Oktubre 10, 2016, hinggil sa pakikipagpalitan ng Taiwan sa labas at paglahok sa mga organisasyong pandaigdig, binigyan-diin muli ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na iisa lang ang Tsina sa daigdig. Ang Mainland at Taiwan aniya ay pawang kabilang sa isang Tsina, at ito ay komong palagay ng komunidad ng daigdig. Lagi nating tinututulan ang pagsasarili ng Taiwan, o dalawang Tsina, ito ang paninindigan natin hinggil sa paglahok ng Taiwan sa pandaigdig na aktibidad, dagdag ni Geng.
salin:le