Dinaluhan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina nitong Huwebes, Nobyembre 3, 2016, ang Ika-15 Pulong ng mga Lider ng Shanghai Cooperation Organisation (SCO) sa Bishkek, Kyrgyzstan.
Ipinahayag ni Li na nakahanda ang Tsina na magpasulong ng ginhawa at kalayaan para sa kalakalan at pamumuhunan ng rehiyon. At dapat aniyang gawing production capacity ang pangunahing larangan ng kooperasyong panrehiyon ng SCO.
Iminungkahi ni Li, na dapat pataasin ang lebel ng kooperasyon sa production capacity; dapat lumikha ng mas maraming pagkakataong pangkooperasyon, at nakahanda aniya ang Tsina na magpahigpit ng pagpapalitan ng karanasan; dapat pabutihin ang mekanismo ng financing ng rehiyon para magkaloob ng pondo sa mga proyekto; dapat pahigpitin ang batayan ng pagpapalitang kultural, at nakahanda ang Tsina na magkaloob ng ginhawa para sa pag-aaral ng mga estudyante ng mga kasaping bansa ng SCO.
salin:Lele