Sa Tashkent Declaration na ipinalabas kahapon, Biyernes, ika-24 ng Hunyo 2016, ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), pagkatapos ng summit nito sa Tashkent, Uzbekistan, ipinahayag ng iba't ibang kasaping bansa ng SCO ang pagkatig sa paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea.
Sinabi ng naturang mga bansa, na dapat pangalagaan ang kaayusang pambatas ng dagat, batay sa mga prinsipyo ng mga pandaigdig na batas, na kinabibilangan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Anila, ang lahat ng mga hidwaan sa South China Sea ay dapat mapayapang lutasin ng mga may direktang kinalamang panig, sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian. Tinututulan din ng mga bansa ang pagsasadaigdig ng isyu ng South China Sea, at pakikialam dito ng mga panig sa labas ng rehiyong ito.
Nanawagan din sa mga may kinalamang bansa ang SCO, na sundin ang lahat ng mga tadhana ng UNCLOS, Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, at iba pang may kinalamang dokument.