Nitong Biyernes, Nov 4, 2016, pormal na nagkabisa ang "Paris Agreement" na may kaugnayan sa global climate management. Ipinahayag ni Zou Ji, Pangalawang Direktor ng National Center for Climate Change Strategy and International Cooperation (NCSC), na aktibong nagsisikap ang Tsina sa mga aspektong gaya ng teknika, sistema, at ideya sa pag-unlad, upang maagang maibaba sa peak ng pagbuga ang carbon dioxide. Bukod dito, aktibo ring pinabubuti ng Tsina ang estruktura ng enerhiya at industriya para maisakatuparan ang target ng pagharap sa climate change at makapaghatid ng benepisyo sa buong sangkatauhan.
Noong Disyembre 12, 2015, sa Paris Climate Change Conference, buong pagkakaisang sinang-ayunan ng halos 200 signataryong panig ng "United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC)" ang pagpasa sa "Paris Agreement." Ayon sa datos, hanggang unang araw ng Nobyembre, 2016, naaprobahan na ng 92 signataryong panig ang nasabing kasunduan. Ang bolyum ng pagbuga ng greenhouse gas ng nasabing 92 kasapi ay katumbas ng mahigit 65% ng kabuuang bolyum ng pagbuga sa buong mundo.
Salin: Li Feng