Idinaos kahapon, Biyernes, ika-4 ng Nobyembre 2016, sa New York ng United Nations ang aktibidad bilang pagdiriwang sa pagkabisa ng Paris Agreement hinggil sa pagbabago ng klima.
Sinabi ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN, na ang pagkabisa ng Paris Agreement ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng lahat ng mga tao sa pagharap sa pagbabago ng klima, at pagkakaisa ng buong daigdig sa usaping ito.
Tinukoy din ni Ban, na mula ika-7 ng buwang ito, idaraos sa Marrakesh, Morocco, ang ika-22 pulong ng mga signatoryong panig ng United Nations Framework Convention on Climate Change, at dapat ipagpatuloy ng iba't ibang panig ang determinasyong ipinakita noong pinagtibay ang Paris Agreement. Ani Ban, sa kasunduang ito, itinakda ang plano hinggil sa pagharap sa pagbabago ng klima, at dapat ipatupad ang planong ito, para ang daigdig ay maging mas ligtas at mas mabuti sa sustenableng pag-unlad.
Salin: Liu Kai