Nitong Lunes, Nobyembre 7, 2016, pinagtibay ng Ika-24 na Pulong ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang interpretation of Article 104 ng Saligang Batas ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR). Tiniyak nito ang proseso at nilalamang pambatas na dapat sundin ng mga public officers sa kanilang panunumpa sa tungkulin, at ang resulta at responsibilidad na pambatas na dapat nilang isabalikat kung lalabag sa kahilingan ng sinumpaang tungkulin. Kaugnay nito, kinapanayam kamakailan ng China Radio International (CRI) si Jiao Hongchang, propesor ng China University of Political Science and Law.
Sa seremonya ng panunumpa kamakailan, pinalaganap ng iilang designate legislators ng HKSAR ang paninindigan sa "pagsasarili ng Hong Kong." Ipinahayag nila ang mga pananalita at aksyong uminsulto sa bansa at nasyon, at grabeng sinira ang seremonya ng panunumpa. Kabilang sa nasabing interpretation of Article 104 ng Saligang Batas ay dapat tumpak, buo, at solemnang basahin ng sumusumpa ang itinakda sa batas na kinabibilangan ng pagsuporta sa Saligang Batas ng HKSAR ng Tsina, pagiging matapat sa HKSAR ng Tsina, at iba pa. Anang interpretasyon, kung itatanggi ang pagsumpa o sadyang taliwas na babasahin ang nakatakdang sumpa sa batas, o pagsumpa sa anumang di-tapat at di-solemnang porma, mawawalang-bisa ang sumpa, at patatalsikin ang sumusumpa bilang public officer, at iba pa. Tinukoy ni Propesor Jiao na alinsunod sa konstitusyon at Saligang Batas ng HKSAR, may kapangyarihan ang NPC na gumawa ng paliwanag sa Saligang Batas. Aniya, sa kasalukuyang kalagayan, lubos na napapanahon at kinakailangan ang pagbibigay ng nasabing paliwanag.
Ani Jiao, sa anumang lugar sa daigdig, nagiging solemna at kailangan ang panunumpa. Aniya, ang ginawa ng nasabing iilang designate legislators ay hindi lamang lumabag sa kalikasan, kundi ito rin ay aksyong nagtatangkang paghiwalay-hiwalayin ang bansa. Ang nagawang paliwanag ng NPC ay nagpalabas ng malinaw na signal, bagay na mabisang makakapigil sa panunungkulan ng mga elementong nagtatangkang "magsarili ang Hong Kong," dagdag pa niya.
Salin: Li Feng