Kaugnay ng pagpapatibay ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) sa interpretation of Article 104 ng Saligang Batas ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), sinabi nitong Lunes, Nobyembre 7, 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang mga suliranin ng Hong Kong ay nabibilang sa suliraning panloob ng Tsina. Hindi aniya ito dapat panghimasukan ng anumang bansang dayuhan.
Ani Lu, tiniyak ng kaukulang paliwanag ng NPC ang kahulugan ng tadhana ng probisyon bilang 104 ng Saligang Batas tungkol sa panunumpa ng mga public officer sa kanilang tungkulin, at nabigyang-linaw din nito ang mga di-pagkakaunawaan tungkol sa kaukulang batas. Bukod dito, nakakatulong ang nasabing paliwanag sa pagpigil sa mga puwersang nagtatangkang "magsarili ang Hong Kong," aniya pa. Ito rin ay mangangalaga sa kapangyarihan ng konstitusyon ng Tsina at Saligang Batas ng Hong Kong, mangangalaga sa soberanya, unipikasyon, at kabuuan ng teritoryo, at maggarantiya sa pangmalayuang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong, aniya pa.
Salin: Li Feng