VIANTIANE, July, 24, 2016—Sa pakikipagtagpo ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina kay Aung San Suu Kyi, Pambansang Tagapayo at Ministrong Panlabas ng Myanmar, ipinahayag ni Wang na mahaba ang kasaysayan ng pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayan ng Tsina at Myanmar. Nakahanda aniya ang Tsina na pahigpitin ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa mataas na antas, pasulungin ang pragmatikong kooperasyon, katigan ang pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Myanmar, pahigpitin ang pagpapalitang kultural, at ibayo pang palakasin ang batayan ng pagkakaibigan.
Ipinahayag naman ni Aung San Suu Kyi na ang Tsina ay pinakamalaking kaibigang kapitbansa ng Myanmar, at matatag aniya ang batayan ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Pinapapurihan ng Myanmar ang pagkatig at tulong ng Tsina para sa pag-unlad ng kabuhayan at pambansang rekonsiliyasyon, aniya pa. Umaasa aniya siyang magpapatuloy ang Tsina ng pagkatig na ito.
salin:Lele