Isiniwalat Martes, Setyembre 20, 2016, ng opisyal ng Myanmar na ang planong pagbiyahe ni Aung San Suu Kyi, State Counselor ng bansa, sa Hapon sa darating na Nobyembre. Sa ngayon'y isinasagawa ang pinakahuling negosasyon sa panig Hapones tungol dito, aniya. Sapul nang maitatag ang bagong pamahalaan ng Myanmar, ito ang magiging kauna-unahang bisita ni Aung San Suu Kyi sa Hapon.
Ayon sa pagtaya, makakausap ng State Counselor ng Myanmar ang mga lider ng Hapon na gaya nina Punong Ministro Shinzo Abe at Ministrong Panlabas Fumio Kishida para manawagan sa mga bahay-kalakal ng Hapon na dagdagan ang pamumuhunan sa Myanmar at isagawa ang ibayo pang kooperasyon ng dalawang bansa sa pagpapabuti ng konstruksyon ng imprastruktura.
Sapul nang maitatag ang bagong pamahalaan ng Myanmar, bukod sa Laos, kasalukuyang bansang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), bumisita rin si Aung San Suu Kyi sa Thailand, Tsina, Britanya, at Amerika.
Salin: Li Feng