Kuala Lumpur, Malaysia—Ipinahayag Lunes, ika-7 ng Nobyembre, 2016, ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia, na umaasa ang Malaysia, Tsina at Australia na matatapos ang paghahanap sa nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines, bago mag-Enero ng susunod na taon.
Nauna rito, ipinahayag ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia na kung hindi matutuklasan ang bagong resulta hanggang sa panahong nabanggit, idaraos ng nabanggit na tatlong bansa ang pulong, para ipasiya ang direksyon ng gawain sa hinaharap.
Hanggang sa kasalukuyan, kabilang sa 22 pinaghihinalaang piraso ng labi ng MH370, 3 piraso lamang ang kumpirmadong nagmula rito, at 2 iba pa ang "kahawig" ng MH370.
Salin: Vera