Setyembre 18, 2016, Kuala Lumpur—kaugnay ng pinakahuling progreso ng paghahanap sa nawalang Flight MH370, ipinahayag ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia na sa kasalukuyan, natapos na ang paghahanap sa 110 libong kilometro kuwadradong rehiyong pandagat sa loob ng 120 libong kilometro kuwadrado na itinakdang search area. Aniya, 10 libong kilometro kuwadrado na lamang ang hindi nagagalugad, kaya, tinatayang matatapos ang kabuuang gawain sa Disyembre ng taong ito.
Aniya, sa proseso ng paghahanap, mayroong mabuting kooperasyon ang Malaysia, Tsina at Australia. Nananatili rin aniyang tapat at maliwanag ang kanilang diyalogo. Hanggang sa kasalukuyan, 22 piraso ng eroplano na ang natuklasan, at sa mga ito, dalawa ang kumpirmadong bahagi ng nasabing nawawalang eroplano.
Noong ika-8 ng Marso ng 2014, nawala ang Flight MH370 habang lumilipad mula Kuala Lumpur, Malaysia papuntang Beijing, Tsina. Ito ay may sakay na 239 na pasahero at karamihan sa mga ito ay Tsino.
salin:wle