NANGAKO ang Bagong Alyansang Makabayan na magpapatuloy ang kanilang mga protesta matapos pumabor ang Korte Suprema sa paglilibing sa dating diktador sa Libingan ng mga Bayani.
Sinimulan ng Bayan ang kanilang palatuntunan kaninang ikalima't kalahati ng hapon na kinatampukan ng pagsisindi ng mga kandila sa bantayog ng University of the Philippines oblation.
Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, ipagpoprotesta nila ang desisyon sa pagsasabay ng posibleng whitewashing ng mga krimeng nagawa ni Ferdinand E. Marcos.
Samantala, bukod sa protesta sa Univesity of the Philippines, may ginawa ring protesta sa Gate 2 ng Ateneo de Manila University, sa Cagayan de Oro City, sa Boy Scouts Circle sa Tomas Morato at Timog Avenue sa Quezon City at sa University of the Philippines – Baguio.