|
||||||||
|
||
20161018melo.mp3
|
Pangulong Duterte, pinuri ni Chinese Foreign Minister Wang Yi
WALANG sinumang banyaga ang makahahadlang sa paglalapit ng nagkahiwalay na mga magkakaibigang bansa, ang Pilipinas at Tsina.
Ito ang sinabi ni Foreign Minister Wang Yi sa kanyang pagpuri kay Pangulong Duterte sa pagkilos nito upang higit na maging malapit ang dalawang bansa.
Ang ginawang ito ni G. Duterte ay nagpapakita lamang ng layunin ng karamihan ng mga Filipinon at naaayon sa pambansang interes, dagdag pa ni G. Wang.
Samantalang walang binanggit na bansa, malaki ang posibilidad na pinatatamaan niya ang Estados Unidos na maaaring manggulo sa pagitan ng Maynila at Beijing.
Magugunitang may kasunduan ang Pilipinas at America noong pang 1951 na kilala sa pangalang Mutual Defense Treaty.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |