Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

SPECIAL REPORT Pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Beijing, mahalaga at makasaysayan

(GMT+08:00) 2016-10-16 18:05:53       CRI

 

 

AMBASSADOR ZHAO JIANHUA: MAKASAYSAYAN ANG PAGDALAW NI PANGULONG DUTERTE SA TSINA.  Ito ang buod ng kanyang pahayag sa idinaos na press briefing sa Kamuning Bakery kagabi.  Maibabalik ang mainit na relasyon ng dalawang bansa sa pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Tsina sa Martes hanggang Biyernes.   (Melo M. Acuna)

 

SPECIAL REPORT

Pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Beijing, mahalaga at makasaysayan

ISANG makasaysayan at mahalagang pagdalaw ang magaganap sa pagdating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa darating na Martes sa Tsina. Magtatapos ang kanyang pagdalaw sa Biyernes, ika-21 ng Oktubre.

Sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na maibabalik ang magandang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa sapagkat hinihintay ni Pangulong Xi Jinping na makausap si Pangulong Duterte upang maibalik sa mainit na pagkakaibigan ng mga pamahalaan.

Sa isang press briefing kagabi sa Kamuning Bakery, sinabi ni Ambassador Zhao na tinitiyak ng magkabilang panig na magtatagumpay ang pagdalaw at pag-uusap. Makakasama sa pag-uusapan ang mga isyu sa larangan ng ekonomiya, kalakal, pagawaing-bayan, pagsasaka, agham at teknolohiya at maging turismo at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Hindi mapapag-usapan ang desisyon ng international tribunal hinggil sa South China Sea sapagkat nakatuon ang pansin ng pag-uusap ng magkabilang panig sa pagkakaibigan.

Ang pinakamahalaga ay ang pagpapatibay ng relasyon ng dalawang bansa tulad ng pagkakaroon ng joint development ng karagatan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas. Higit umanong makikinabang ang Pilipinas sapagkat bukod sa may kapital ang mga Tsino, mayroon din silang teknolohiya.

Nagsimula na ang mga pag-uusap noong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa posibilidad ng pagtutulungan sa yamang likas ng karagatan. Napag-usapan rin ang paggamit ng oil at petroleum products, pagpapanatili ng freedom of navigation, paglaban sa mga pirata at maipagsanggalang ang ecosystem, pagpapanatili ng magandang marine environment at dagliang pagtulong sa mga sakuna at pagbibigay ng ayuda sa nangangailangan.

Ibinalita rin ni Amb. Zhao na naglaan na ang Tsina ng US$ 500 milyon o tatlong bilyong Yuan sa ilalim ng China-ASEAN Maritime Cooperation Fund. Mapapakinabangan ito ng mga Filipino, dagdag pa ni Amb. Zhao.

Walang ibinigay na timeline ang Chinese ambassador kung kailan ito magaganap ang joint development. Depende umano sa magkabilang panig kahit pa wala pang nabubuong Memorandum of Understanding. Bukas naman sila sa pagkakaroon ng joint development sa South China Sea.

Sa pagbabalik ng mainit na relasyon, magkakaroon ng regular na pag-uusap sa larangan ng politika at maging sa tanggulang pambansa at mga mekanismo sa larangan ng pagsasaka.

Bukod sa karaniwang ipinagbibiling saging at pinya, madaragdagan ito ng dragon fruit. Ipinaliwanag ni Ambassador Zhao na 82% ng saging sa Tsina ang mula sa Pilipinas at higit naman sa 70% ng mga pinyang nasa pamilihan ay mula din sa Pilipinas. Malaki ang pamilihan ng Tsina, dagdag pa ng ambassador ang magdaragdag sila ng bibilhing mga prutas.

Interesado si Pangulong Duterte na mapaunlad ang buhay ng mga magsasaka at mangingisda at namimili na rin sila ng mga na sa sektor ng fisheries, tulad ng lapu-lapu, hipon at alimango. Unti-unti na ring natatanggap ang bangus kaya't interesado rin sila sa aquaculture, fishing, storage, production at marketing, dagdag pa niya.

Malaki ang kanilang pamilihanm, may sapat na salapi at interesado silang makipagkalakal.

Sa pagawaing-bayan, nasa magandang tayo ang Tsina kung teknolohiya, efficiency at financing ang pag-uusapan lalo pa't magkakaroon ng mas maraming investments mula sa Tsina na kabibilangan ng daang-bakal, mga malalaking lansangan, tulay, daungan at paliparan. Ang Chinese government ay magpapahiram ng tinatawag na soft loans samantalang ang pribadong sektor ay handa ring tumulong samantalang mga kumpanyang Tsino ang magpapatakbo ng mga proyekto sa Pilipinas.

Kung may 10 milyong mga Tsinong turista ang nakarating sa Thailand noong nakalipas na taon, umabot lamang sa 450,000 ang dumalaw sa Pilipinas. Idinagdag pa ni G. Zhao na sa unang anim na buwan ng 2016, mayroon ng 360,000 mga Tsino ang dumalaw sa Pilipinas.

Umaasa siyang makakamtan ng Pilipinas ang isang milyong turistang Tsino sa loob ng 2017. Niliwanag din niyang ang bawat turistang Tsino ay gumagastos ng US$ 1,000 sa shopping kaya't malaking halaga ang dala ng mga turista.

Bukod pa rito, binanggit ni Ambassador Zhao na aalisin na ang travel advisory sa Pilipinas sa pagdalaw ni G. Duterte sa Beijing.

Hiwalay ang pag-uusap hinggil sa tanggulang pambansa sapagkat magaganap ito sa pagbabalik ng mainit na bilateral relations ng dalawang bansa.

Walang binanggit si Pangulong Duterte kung nais niyang dumalaw sa Great Wall of China bagama't humiling siyang makadalaw sa isang drug rehabilitaton center at traffic operations center sa Beijing.

Isang negosyanteng Tsino ang gumastos para sa isang drug rehabilitation center na mapakikinabangan na sa darating na Nobyembre sa Nueva Ecija. Mayroon pa ring isang rehabilitation center na itatayo sa pook na pagkakasunduan ng pamahalaan ng Pilipinas at nang magbibigay ng salapi sa pagtatayo nito.

Nabanggit din ni Ambassador Zhao na mayroong humigit kumulang sa 200,000 mga Filipinong nagliingkod bilang mga domestic helper sa Tsina. Walang mga dokumento ang mga ito at marahil mapag-uusapan kung ano ang magagawa para sa kanila sapagkat nais din nilang matiyak na nasa mabuting kalagayan ang mga nangibang-bansa upang tulungan ang kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

Nagluluwag umano ang kanilang pamahalaan sa mga manggagawang mula sa Pilipinas, dagdag pa ng Chinese ambassador sa Maynila.

Pinag-aralan na ng mga Tsino ang pangangailangan ng Mindanao para sa daang-bakal na may 2,000 kilometro ang kailangang itayo. Ani Ambassador Zhao, maaaring makapagtayo ang mga Tsino ng bahagi ng pangangailangang ito. Hindi umano kakayahing maitayo ang 2,000 kilometrong daang-bakal sa loob ng anim na taon.

Niliwanag pa ni Amb. Zhao na nais nilang mas maraming Tsino ang magkalakal at maglaan ng salapi sa Pilipinas kaysa sa mga Filipinong gagastos sa kalakal sa Tsina.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>