Tashkent — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Sabado, Nobyembre 12, 2016, kay Wang Yi, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Tsina, ipinahayag ni Shavkat Mirzieev, pansamantalang Pangulo ng Uzbekistan, ang pasasalamat sa ibinibigay na matatag na pagkatig ng Tsina sa kanyang bansa. Ito aniya ay lubusang nagpapakita ng mataas na pagtitiwalaang pulitikal sa pagitan ng dalawang bansa. Nakahanda ang Uzbekistan na magsikap kasama ng Tsina, upang ibayo pang mapatibay at mapaunlad ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa, dagdag pa niya.
Ipinahayag naman ni Wang na ang susunod na taon ay ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Uzbekistan. Sa okasyong ito, nakahanda aniya ang Tsina na komprehensibong isakatuparan kasama ng Uzbekistan, ang narating na mahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa sa pagtatagpo ng Tashkent noong Hunyo ng kasalukuyang taon.
Salin: Li Feng