Miyerkules, Ika-22 ng Hunyo, 2016—Sa kanyang talumpati sa Legislative Chamber ng Uzbek Supreme Assembly, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na natamo ng konstruksyon ng "Silk Road Economic Belt" at "21st Century Maritime Silk Road" o Belt and Road Initiatives ang positibong bunga sa maraming aspekto. Aniya, hanggang sa kasalukuyan, mahigit 70 bansa at organisasyong pandaigdig ang aktibong sumali sa naturang konstruksyon. Itinakda na aniya ng Tsina ang dokumento ng ekspektasyon at aksyon sa pagpapasulong sa magkakasamang pagtatatag ng Belt and Road Initiative, at nilagdaan, kasama ng mahigit 30 bansa, ang kasunduan sa kooperasyon sa aspektong ito.
Isinalaysay niyang noong 2015, lumampas sa 1 trilyong dolyares ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan sa pagitan ng Tsina at mga kasaling bansa sa Belt and Road Initiative. Halos 15 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa 49 na bansa sa kahabaan ng Belt and Road, at ito ay lumaki ng 18% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon, aniya pa. Sinabi rin ni Xi na lumampas din sa 8.2 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pamumuhunan ng nasabing mga bansa sa Tsina, at ito ay lumaki ng 25%.
Binigyang-diin din ni Xi na dapat puspusang palalimin ang kooperasyon sa pangangalaga sa kapaligiran, at pag-ibayuhin ang pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, para itatag ang "luntiang Silk Road." Dapat aniyang palalimin ang kooperasyong medikal at pangkalusugan, at palakasin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa mga larangang gaya ng paglaban sa pagkalat ng nakahahawa at iba pang uri ng sakit, pagbibigay ng tulong na medikal, at tradisyonal na medisina, para itatag ang "malusog na Silk Road." Dapat palalimin ang kooperasyong panseguridad, at igiit ang komon, komprehensibo, kooperatibo at sustenableng ideolohiyang panseguridad ng Asya, para itatag ang "mapayapang Silk Road," ani Xi
Salin: Vera