|
||||||||
|
||
Nakipag-usap sa telepono Lunes, Nobyembre 14, 2016, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay President-elect Donald Trump ng Estados Unidos.
Unang una, bumati si Pangulong Xi sa pagkahalal ni Trump bilang Presidente ng Amerika. Ipinahayag niya na nitong 37 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika, walang humpay na sumusulong ang relasyon ng dalawang bansa, bagay na nakakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa kanilang mga mamamayan. Ito rin aniya ay nakakapagpasulong sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyon at buong daigdig.
Dagdag pa ni Xi na lubos niyang pinahahalagahan ang relasyong Sino-Amerikano. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Amerika, para magkasamang mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa at makapagbigay ng mas maraming pakinabang sa kanilang mga mamamayan at mga mamamayan ng iba't-ibang bansa sa daigdig.
Ipinahayag naman ni Trump ang pasasalamat sa pagbati mula kay Pangulong Xi. Sinang-ayunan aniya niya ang opinyon ni Xi tungkol sa relasyong Sino-Amerikano. Nakahanda siyang magsikap kasama ni Pangulong Xi, upang mapalakas ang kooperasyong Amerikano-Sino, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |