Dumalaw sa Pilipinas, Nobyembre 15, 2016 ang delegasyon ng Ministring Komersyal ng Tsina, na pinamumunuan ni Wu Zhengping, Direktor ng Departamento sa mga Suliranin ng Asya ng naturang ministri.
Ipinahayag ni Wu na napagpasiyahan ng dalawang panig na panumbalikin ang operasyon ng Magkasanib na Lupong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas. Sinang-ayunan aniya ng dalawang panig ang paglalagda sa Panganimang-taong Planong Pangkooperasyon ng Tsina at Pilipinas, sa unang dako ng 2017.
Ani Wu, tinalakay din ng dalawang panig ang hinggil sa konstruksyon ng imprastruktura, na kinabibilangan ng daambakal, paliparan, at express way, pagbibigay-suporta sa pinalawak na pamumuhunan ng mga bahaykalakal ng Tsina sa Pilipinas, pagtatatag ng mga industry park dito, at iba pa.