Idinaos kamakailan sa Beijing ang Ika-2 Filipino Chinese Youth Table Tennis Tournament. Kalahok sa paligsahan ang halos 30 kabataang manlalaro mula sa kapwa bansa.
Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Stephen Techico, Tagapangulo ng Federation of Filipino-Chinese Association of the Philippines Foundation, at puno ng delegasyong Pilipino, na bagama't nakaranas ng kahirapan ang relasyong Filipino-Tsino, hindi nagbabago ang pundasyon para sa pagkakaibigan at hangarin para sa kooperasyon ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang, sa pamamagitan ng pagpapalitan sa palakasan at kultura, mapapasulong ang pag-uugnayan ng mga mamamayan ng Pilipinas at Tsina, para makapagbigay ng ambag sa pagbuti ng relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi ni Irish Kay Kalaw-Ado, Second Secretary ng embahada ng Pilipinas sa Tsina, na sa pamamagitan ng paligsahang ito, hindi lamang magpapalitan ang mga manlalarong Pilipino at Tsino ng kasanayan sa paglalaro ng table tennis, kundi rin pasusulungin ang pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Li Guohong, mataas na opisyal ng Overseas Chinese Affairs Office ng Konseho ng Estado ng Tsina, na ang kabataan ay kinabukasan ng bansa at nasyon. Mahalaga aniya ang pagpapalitang pangkaibigan ng mga kabataang Tsino at Pilipino para sa kapwa bansa at pag-unlad ng kanilang relasyon.
Salin: Liu Kai