|
||||||||
|
||
2016 ng China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum (CAIPCCF) Tuole
Sa pagbubukas ngayong araw, Nobyembre 17, 2016 ng China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum (CAIPCCF) Tuole, sa Tuole County, Bayan ng Panxian, Probinsyang Guizhou, sa gawing timog-kanlauran ng Tsina, ipinahayag ni Rhenita Rodriguez, Minister Consul ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing na lubhang napakalaki pa ng espasyo para sa pag-unlad ng relasyong pang-ekonomiya ng Pilipinas at Tsina.
Si Rhenita Rodriguez, Minister Consul ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing
Aniya, noong 2015, ang kabuuang trade sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ay umabot sa mahigit USD17 bilyong dolyar; dahil dito ang Tsina ang naging ikalawang pinakamalaking trading partner ng Pilipinas, aniya pa.
Ang Tsina rin aniya ang ikatlong pinakamalaking partner ng Pilipinas sa export commodities at pinakamalaking trading partner ng Pilipinas sa import commodities.
Sinabi pa niyang noong 2015 ang Foreign Direct Investment (FDI) ng Pilipinas sa Tsina ay umabot sa USD 39 milyong dolyar, samanatalang ang FDI naman ng Tsina sa Pilipinas ay nasa USD 23.71 milyong dolyar.
Ayon dito, makikitang mas malaki aniya ang FDI ng Pilipinas sa Tsina, kaya lubhang malaki pa ang espasyo ng pagpapasulong sa pag-unlad ng kooperasyong pang-negosyo ng dalawang panig.
Umaasa aniya siyang sa mga susunod na buwan, marami pang kompanyang Tsino ang maglalagak ng negosyo sa Pilipinas.
Pagdating naman sa turismo, pinipili ng patuloy na dumaraming Tsino ang Pilipinas bilang kanilang destinasyon tuwing bakasyon, ani Rodriguez.
Sinabi pa niyang noong 2015, ang kabuuang bilang ng mga turistang Tsinong nagpunta sa Pilipinas ay tumaas nang halos 25% kumapara sa bilang noong nakaraang taon.
Dagdag niya, mula noong Enero hanggang Agosto 2016, ang mga Tsino ang siya nang naging ikatlong pinakamaraming bumisita sa Pilipinas, sunod sa mga Koreano at Amerikano.
Ito aniya ay dahil sa mabilis na pagsulong ng ekonomiya ng Pilipinas na may pangkaraniwang paglaki na 5.9% nitong nakalipas na 5 taon, simpleng proseso ng paglalagak ng negosyo sa bansa, malaking domestikong pamilihan, bata at highly-skilled na lakas-manggagawa, mainit na pagtanggap sa mga bisita, likas na pagiging mabait ng mga Pilipino, dekalidad na health care at marami pang iba.
Ipinagmalaki rin ni Rodriguez ang bentahe ng Pilipinas sa Business Process Outsourcing (BPO), economic zones, at freeports, kung saan magkakaroon ng preperensyal na trato ang mga kompanyang Tsino.
Aniya, sa mga sonang ito, mayroong sapat na imprastruktura, at magbibigay din ng fiscal at non-fiscal incentive ang pamahalaan ng Pilipnas sa mga kompanyang nagnanais maglagak ng negosyo sa mga ito.
Ang Pilipinas din aniya ay matatagpuan sa napakagandang lokasyon, at mula rito, ang mga kompanyang Tsino ay magkakaroon ng estratehikong posisyon upang makapagsagawa ng negosyo sa buong timog-silangang Asya, rehiyong Asya-Pasipiko at iba pang bahagi ng mundo.
Aniya, ang Pilipinas ay determinadong magbigay ng paborableng kondisyon para sa paglalagak ng negosyo, tulad ng liberal na polisiya at regulasyon sa FDI, at pagbubukas ng mga industriyang tulad telekomunikasyon, transportasyon, pagbabangko, retail at marami pang iba sa mga dayuhang puhunan,
Sinabi ni Rodriguez na kabilang sa mga sektor na binibigyang priyoridad ng Pilipinas ay ang manufacturing, agri-business at pangingisda, serbisyo, murang pabahay, healthcare, enerhiya, pampublikong imprastruktura, lohistika, at public-private partnership.
Bukod sa mga ito, sinabi pa niyang maraming negosyo ang naghihintay para sa mga negosyanteng Tsino, at kabilang sa mga ito ang manufacturing at assembly ng mga bahagi ng bisikleta, e-vehicle para sa pampublikong transportasyon, light vehicle, trak at bus; manufacturing ng mga high-end garment tulad ng bag, at non-polluting na mga tela; pagpoproseso ng mga high-value na pagkain at pagkaing-dagat; component manufacturing at assembly ng mga photovoltaic na produkto; paggawa ng mga gamit sa konstruksyon at marami pang iba.
Aniya, ngayon na ang pinaka-magandang panahon para maglagak ng negosyo sa Pilipinas.
Reporter: Ernest/Rhio
Photographer: Li Shukun
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |