|
||||||||
|
||
2016 China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum
Panxian, Guizhou - Bubuksan Huwebes, ika-17 ng Nobyembre 2016, sa Bayan ng Panxian, Probinsyang Guizhou sa dakong timog-kanluran ng Tsina ang 2016 China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum (CAIPCCF), at inaasahang dadalo rito ang ilang opisyal at negosyanteng Pilipino.Mga kalahok sa CAIPCCF
Sa preskon kasama ang mga mamamahayag ng China Radio International (CRI), ipinahayag Nobyembre 15, 2016 ni Fu Guoxiang, Chairman ng Sentral na Komite ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Bayan ng Panxian na malaking pakinabang ang maidudulot ng nasabing forum sa relasyon ng mga mamamayang Tsino at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ani Fu, tatalakayin at ide-detalye sa naturang porum ang mga plano sa hinaharap upang palakasin ang relasyong ekonomiko sa pagitan ng Bayan ng Panxian at ASEAN, at buong Tsina at ASEAN.
Sa pamamagitan ng nasabing porum, itatayo aniya ang mekanismo ng kooperasyon hinggil sa turismo, impastruktura, transportasyon, at pagmimina ng mga mineral, upang bigyan ng malaking benepisyo ang mga mamamayang Tsino at ASEAN.
Dagdag pa ni Fu, kabilang sa mga bentahe ng Bayan ng Panxian na magiging napakaimportante para sa pagtatayo ng malakas na kooperasyon sa mga bansang ASEAN ay una: likas na yaman ng Bayan ng Panxian sa ibat-ibang mineral. Maaaring suportahan ng likas na yamang ito ang pangangailangan sa pag-unlad ng mga bansang ASEAN, dagdag niya.
Pangalawa, mataas na teknolohiya ng Panxian sa larangang agrikultural. Karamihan aniya sa mga bansang ASEAN ay mga bansang agrikultural, kaya naman malaki ang espasyo sa pagkakaroon ng kooperasyon ng dalawang panig sa larangang ito.
Ito rin aniya ay isang mahalagang bentahe ng bayan na makakatulong sa pagpapaunlad ng agrikultura ng mga bansang ASEAN.
Ikatlo, estratehikong lokasyon ng Panxian sa mga bansang ASEAN. Ani Fu, ang Panxian ay daanan sa pagitan ng Tsina at ASEAN, at para sa mga mamamayang ASEAN na gustong bumisita at magnegosyo sa Tsina, ang Panxian ay isang napakagandang panimulang lugar, dahil ito ay nasa estratehikong lokasyon, at may magagandang tanawin.
Sinabi rin niya, na sa pamamagitan ng Panxian, magkakaroon ng mas madaling akses ang mga Tsino sa mga bansang ASEAN.
Ani Fu, ang mga Tsinong mula sa Mainland na gustong magbiyahe at magnegosyo sa mga bansang ASEAN ay maaaring magmaneho patungo sa Panxian, at mula rito, maaari silang sumakay ng highspeed rail upang makarating sa patutunguhan.
Sa pamamagitan ng mga ito, inaasahang magkakaroon ng malaking benepisyo at malakas na relasyon ang mga Tsino at mga mamamayan ng ASEAN, dagdag ni Fu.
Reporter: Ernest/Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |