Nag-usap sa Beijing, Setyembre 21, 2016 sina Guo Shengkun, Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina at Bui Van Nam, Pangalawang Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Biyetnam.
Ipinahayag ni Guo na nananatiling mahigpit ang pagdadalawan ng liderato ng mga naghaharing partido at estado ng Tsina at Biyetnam, at narating ng dalawang panig ang malawak na pagkakasundo. Ito aniya'y naglatag ng matibay na pundasyon para palalimin ang pagtutulungan ng dalawang panig sa larangang panseguridad at law enforcement. Umaasa aniya siyang ibayong pahihigpitin ang pagtutulungan ng mga departamentong panseguridad ng Tsina at Biyetnam, para sa pagpapalalim pa ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Bui Van Nam, na positibo ang Biyetnam sa tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Biyetnam na magsikap, kasama ng Tsina para pasulungin ang pagtutulungang pambatas at panseguridad sa mas mataas na antas.