Si Guo Shengkun, Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina
Nag-usap sa Hanoi, Biyetnam sina Guo Shengkun, Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina at kanyang Biyetnames na counterpart na si To Lam, at magkasamang nangulo ang dalawang ministro sa ika-5 Kumperensiya ng Ministri ng Pampublikong Seguridad ng Tsina at Biyetnam sa magkasamang pagbibigay-dagok sa krimen.
Ipinahayag ni Guo ang pag-asang palalalimin ang pagtutulungan ng Tsina at Biyetnam sa larangan ng paglaban sa terorismo, pagpupuslit ng droga, human trafficking, telecom fraud, ilegal na pandarayuhan, para magkasamang pangalagaan ang seguridad at katatagan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni To Lam na ang pagpapalalim ng pagtutulungan ng Tsina at Biyetnam sa larangan ng law enforcement at seguridad ay makakatulong sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Biyetnames. Nakahanda aniya ang kanyang departamento ng pampublikong seguridad na magsikap, kasama ng Chinese counterpart, para ibayong pahigpitin ang estratehikong pagpapalitan, para palalimin ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan, lalo na sa pagbibigay-dagok sa krimen at pangangalaga sa katatagan ng lipunan.