|
||||||||
|
||
Isinapubliko nitong Lunes, Nobyembre 21, 2016, ni American President-elect Donald Trump ang 100-Day Action Plan pagkaraan ng kanyang pag-upo sa puwesto. Kabilang dito ay pagpapalabas ng may-intensyong pahayag tungkol sa pagtalikod sa Trans-Pacific Partnership Agreement (TPP).
"Lalagdaan ko ang isang intended statement na tatalikod sa TPP. Dahil ito ay nagiging nakatagong kalamidad sa aming bansa." Ani Trump sa isang video sa social media.
Bukod dito, sinabi niya na aaksyunan ang mga isyung tulad ng enerhiya, pambansang seguridad, at illegal immigration.
Naihalal si Trump bilang susunod na presidenteng Amerikano noong Nobyembre 9, 2016. Kasalukuyan siyang abalang-abalang bumubuo ng kanyang administrative group. Ma-uupo siya sa puwesto sa Enero 20, 2017.
Salin:L Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |