|
||||||||
|
||
Beijing — Sa kauna-unahang pagkakataon, idinaos Martes, Nobyembre 22, 2016, ang working meeting nina Meng Hongwei, Puno ng China Coast Guard (CCG), at Ari Soedewo, namamahalang tauhan ng Departamento ng Seguridad na Pandagat ng Indonesia.
Si Meng Hongwei, Puno ng CCG
Ipinahayag ni Meng na ang pagpapalakas ng pragmatikong kooperasyong Sino-Indones sa pagpapatupad ng batas sa dagat, ay nakakatulong sa paggarantiya sa kaligtasan at katatagang pandagat. Dapat aniyang patuloy na palakasin ng mga kaukulang departamento ng dalawang panig ang kanilang pagsasanggunian at pagpapalitan para magkasamang mabigyang-dagok ang maritime transnational crime, maayos na hawakan ang pagkakaiba sa dagat, at magkasamang mapangalagaan ang seguridad at katatagan sa South China Sea.
Si Ari Soedewo (una mula kanan), namamahalang tauhan ng Departamento ng Seguridad na Pandagat ng Indonesia
Ipinahayag naman ni Ari Soedewo ang kahandaang isagawa ang pragmatikong pakikipagkooperasyon sa Tsina sa pagpapatupad ng batas sa dagat upang magkasamang mapangalagaan ang kaligtasan at katatagang pandagat sa rehiyong ito.
Pagkaraan ng pag-uusap, magkasamang lumagda sina Meng at Ari Soedewo sa meeting summary.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |