Noong isang linggo, idinaos sa Indonesia ang Ika-4 na Pagsasanggunian ng Tsina at Indonesia hinggil sa Paglaban sa Terorismo. Magkasamang nangulo sa pulong sina Cheng Guoping, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Saud Usman Nasution, Indonesia's Counter-terrorism Chief. Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa mga isyung gaya ng relasyong Sino-Indones, kani-kanilang kalagayan ng paglaban sa terorismo, at kanilang kooperasyon sa paglaban sa terorismo.
Ipinahayag ni Cheng na nitong ilang taong nakalipas, komprehensibo at mabilis na umuunlad ang relasyong Sino-Indones, at kapansin-pansin ang bunga ng kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan. Aniya, sa kasalukuyan, nagiging mas mahigpit at masalimuot ang kalagayang panrehiyon at pandaigdig sa paglaban sa terorismo. Dapat ibayo pang palakasin ng Tsina at Indonesia ang kanilang kooperasyon sa paglaban sa terorismo para mapangalagaan ang komong kapakanan ng dalawang bansa, dagdag pa niya.
Ipinahayag naman ng panig Indones ang kahandaang palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa larangan ng paglaban sa terorismo.
Salin: Li Feng