Kuala Lumpur, Malaysia--Kinatagpo Lunes, Ika-21 ng Nobyembre, 2016 ni Ahmed Zahid Hamidi, Pangalawang Punong Ministro ng Malaysia si Fang Fenghui, dumadalaw na Chief of the General Staff ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina, Hukbong Tsino.
Sinabi ni Hamidi na matagumpay at mabisa ang pagdalaw kamakailan ni Punong Ministro Najib Razak sa Tsina. Nakahanda aniya ang Malaysia na ibayo pang palalimin ang kooperasyon ng mga hukbo ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, at pasulungin ang patuloy na pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng Malaysia at Tsina.
Sinabi ni Fang na nakahanda ang Tsina na puspusang maisakatuparan ang mga komong palagay na narating ng mga lider ng Tsina at Malaysia, palalimin ang pagkaunawaan sa isa't isa, pahigpitin ang kooperasyon, at pasulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng mga hukbo ng dalawang bansa.
salin:Le