Kaugnay ng pakikilahok ng mga bansang gaya ng Hapon at Tsina sa kompetisyon at pagbibiding sa high-speed railway plan na mag-uugnay sa Malaysia at Singapore sa susunod na taon, ipinahayag kamakailan ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia na ipapauna ang isyu ng kaligtasan. Ngunit dahil sa magiging pinakamalaking proyekto ng imprastruktura sa kasaysayan ng bansa, masusi pa rin ang gastos at kabisaan nito, aniya. Ito ang naging pahiwatig na pahahalagahan din ng Malaysian PM ang bentahe ng presyo.
Bukod sa Hapon at Tsina, interesado rin ang Timog Korea, Pransya, at Alemanya sa nasabing proyekto.
Salin: Li Feng