Isiniwalat kahapon, Lunes, ika-14 ng Nobyembre 2016, ng Ministri ng Komunikasyon ng Singapore, na ginagawa ngayon ng mga pamahalaan ng bansang ito at Malaysia ang burador na kasunduan hinggil sa konstruksyon ng high-speed railway sa pagitan ng dalawang bansa. Ito ay para lagdaan ang kasunduang ito, sa pagtatagpo ng mga Punong Ministro ng dalawang bansa na nakatakdang idaos sa ika-5 ng susunod na buwan.
Ayon naman sa media ng Malaysia, ilalakip sa naturang kasunduan ang mga mahalagang nilalaman, na gaya ng pagkalkula ng gugulin ng konstruksyon ng daambakal, at konkretong paraan ng pagbabahagi ng kita.
Tinatayang aabot sa 350 kilometro ang kabuuang haba ng Singapore-Malaysia high-speed railway. Nakatakdang simulan ang konstruksyon nito sa darating na dalawang taon, at isasaoperasyon sa 2026.
Salin: Liu Kai